Magandang Tanawin sa Negros Occidental : The Ruins

image source : wikipedia

Lipat muna tayo mula sa mga isla at kabundukan, ngayon naman ay ang mga lumang istrakturang na masasabing isa sa mga magagandang tanawin sa Pilipinas, ang The Ruins ng Bacolod.

Ngayon na pagtanto ko na marami palang the Ruins dito sa ating bansa. Kung may the Ruins din kami dito sa Capiz, at meron din sa Bacolod, malamang ay meron din sa ibang probinsya o lalawigan. Ang pinagkaiba nga lang siguro dito sa Bacolod ay isang mansion samantalang sa Roxas City ay hindi natapos na resort.

Ang The Ruins ay bahay nina Don Mariano Ledesma Lacson and Maria Braga Lacson na matatagpuan sa Talisay Negros Occidental City. Ang mansyon ay naitalang itinayo noon pang 1900s at base sa Italian architecture. Subalit noong panahon ng digman sa pagitan ng Pilipinas at Hapon, sinunog ito ng mga guerillang Pilipino sa pag iisip na gagawin itong kuta ng hapones.

Parang nakakapag taka na mismong mga Pilipino pa ang sumira dito. Maiisip mo talagang nangagamoy utak talangka at naingit sila sa mayamang Don at Maria Lacson kaya sinunog. Alam mo iyong kayo ng hihirap tapos sila nagpapasarap lang. Siguro kung may pagkakataon ka ngang gawin iyon, bilang utak talangka at ingitero ay gagawin mo rin iyon. Opinyon ko lang naman po ito dahil sa nabasa ko sa Wikipedia. Ganon pa man ay naging historical parin ang lugar at dinarayo ng mga tourista hanggang ngayon.

Kilala din ang lugar bilang Taj Mahal ng Pilipinas. At nag sasabing bukas na tourist attraction mula alas otso ng umaga hanggang alas otso ng gabi ay meron bayad sa pag pasok na isang daan sa matatanda, singkwenta pesos sa mga estudyante at bente pesos naman sa mga bata. Na napupunta sa pamamahal ng mga naiwang Lacson.

Hindi ko pa napanood ang lugar na ito sa Jessica Soho o sa mga horror story na kalimitan natatampok sa mga abandonadong lugar. Siguro noong sinunog nila ito ay walang namatay dahil nga ayon sa aking pag sasaliksik, napilitan lang ang mga Filipino guerilla na nag tatrabaho noon sa US armed forces na gawin ang nasabing pag sunog na tumagal ng tatlong araw. Ito nga ay pagpapakita na imbes na pakinabangan ng mga hapones ay sila nalang ang sumira. So sa huli walang ingitan o talangkaan ang naganap. Sadyang malikot lang ang aking kaisipan at pawang opinyon ko lang iyon.

Magandang Tanawin sa Tawi Tawi : Bongao

source : google image

Napakaraming magandang tanawin sa Tawi Tawi subalit mas nanaig ang mga takot ng mga touristang pumunta dito. Dahil nasulat narin sa history ng Pilipinas na nagkaroon ng mga terrorist kidnapping sa mga nasabing lugar. Pero sa mga nag babalak ng kakaibang adventure, iyong parang mag sasanib ang excitement at pangamba, magandang destinasyon ang Tawi tawi.

May mga tao kasing lubhang adventurer at hindi sila nagdadalawang isip sa mga risk katulad nito. At dahil hindi narin ganoon ka aktibo ang mga terorista sa nasabing lugar, maliit narin ang chansa na makadaupang palad natin sila. Minsan kasi talaga may mga bagay na karapatdapat kahit may risk na kapalit. Tulad na lamang ng Bongao sa Tawi tawi.

Paglaki ko bukod sa pag lilibot dito sa Capiz, gusto ko ding pumunta sa Mindanao ang puntahan ang mga gantong lugar. Siguro naman naubos na ni Pangulong Duterte ang mga terorista sa oras na iyon. Kaya hindi lang ako pati narin ang mga tourista at mga negosyante ay nadevelop na ang mga lugar sa ibabang bahagi ng bansa.

Sa Bongao nag halo ang kagandahan ng kabundukan at karagatan. Bagaman wala akong masyadong makitang litrato mula sa internet ukol sa lugar na ito, may mangilangilan namang picture bagaman malabo o hind talaga pang travel directories pero lutang na lutang ang kagadahan ng lugar. Katulad nalang ng Aerial view shot sa itaas na nakuha ko sa Google Image. Kahit na walang masyadong editing, kita naman natin na sadyang may natural na ganda ang lugar.

aerial view

Kung ang gantong kagandang lugar ay hindi masyadong nailalatha sa mga online ano pa kaya ang mga nakatagong yaman ng Pilipinas? Kaya ako talaga pag laki ko, hindi ko lilimitahan ang sarili ko sa mga sikat na lugar kundi magiging manlalakbay ako at tutuklasin ko ang mga lihim na magagandang tanawin dito sa Pilipinas.

Magandang Tanawin sa Mindoro : Puerto Galera

image source : google image

Pag medyo short ang budget mo pero gusto mong makahinga sa matinding traffic ng Maynila, puwede mong tahakin ang Puerto Galera na matatagpuan sa Oriental Mindoro. Isa itong option kung nasisikipan ka narin sa Laguna sa dami ng ng te-team building na call center company doon subalit di kaya ng budget ang pumunta sa Visayas.

Pinagkaiba nga lang dito kailangan mo talagang mag sea travel. Pero mga dalawang oras lang naman mula Batangas papuntang Calapan. Alam ko yan dahil ilang beses narin po kaming nag Roro mula Alabang paputang Capiz at hindi lang isang sea travel iyon kundi dalawa at tumatagal pa ng apat na oras ang lakbaying dagat mula Mindoro papuntang Caticlan. Siguro nga iyan ang dahilan kung bakit nahilig ako sa magagandang tanawin dito sa Pilipinas. Dahil noon pa man, ay nadadaanan namin ang mga ito sa aming biyahe. At kung tutuusin hindi naman talaga kailangan gumastos ng malaki para matamasa ang kariktan ng Pilipinas.

Puerto Galera, isa rin itong option kung short budget ka papuntang Puerto Princesa. Halos parehas lang naman silang may Puerto kaya maganda naring pag halili. At least hindi ka masyadong magagastusan. At ang kalimitang challenges sa mga gantong uri ng pag babakasyon ay ang pauwi. Syempre iisipin mo na iyong balik trabaho na ulit, iyong mga naiiwan mong trabaho, iyong pagod mula sa hang over ng swimming, at lalung lalo na eh kung inutang mo iyong pera pang bakasyon. Iyon ang masakit dun. Nakakatawa ngang isipin na nag bakasyon tayo para mag unwind pero kung tutuusin o ang realidad, sobrang nakakapagod pag uwi. Siguro psychological dahil nga babalik ka na naman sa dating buhay. Ito iyong hindi mo mararamdaman sa una tuwing papunta ka palang. Dahil kalimitan ay excitement ang nangingibabaw sa atin. Pero maniwala ka. Iyong mga galing sa bakasyon mula sa malayong lugar, mas pagod na pagod iyon. Kaya ano nalang kung sa Palawan ka pa mag babakasyon. Kaya siguro dinivelop ng husto itong white sand beach sa Mindoro para halili sa mga taong concern sa pag balik nila mula sa bakasyon.

Mas sumikat nga ang Puerto Princesa. Dahil mas naririnig mo ito dati pa kesa sa Galera. Pero kung habol mo lang naman eh white beaches, OK narin iyon kesa mag pa Boracay ka pa. Dinevelop narin naman ang Galera. Meron narin din ditong mga event o adventure tulad ng Diving at Snorkeling para sa mga tourista. At syempre meron narin mga kainan na alam naman nating isa ding dahilan kung bakit ang mga Filipino ay mahilig mag bakasyon at mag pasarap.

Paano Natin Mapupuntahan ang Lahat ng Magagandang Tanawin sa Pilipinas

Sa ngayon po ay hindi ko pa kayang puntahan ang lahat ng naisulat ko dito. Iyong iba nakarating na ako lalu na iyong sa Capiz at Iloilo pero sa ibang Region hindi pa.

Ang blog kong ito ay tatanawin kong inspirasyon para kung sa kaling magka trabaho na ako at magka pera ay mayroon na akong ideya kung ano ang dapat kong unahin. Diba mas maganda kapag may plano kana kesa iispin mo palang kung nandoon kana sa pagkakataon. Ang masama pa busy na tayo kaya baka nga pag lumaki na tayo at hindi natin iyon mapuntahan o walang balak pa.

Sobrang daming magandang tanawin ang Pilipinas para lakbayin. Pero alam kong posible ito pag dating ng pamahon. Kung meron ngang taong nag libot sa buong bansa gamit lang ang motor nya. Baka ganon din ako. Pero syempre mas masaya kapag kasama ko ang aking pamilya sa pag babaksyon.

Sa ngayon isa lang ang naiisip ko para matupad ang lahat ng ito. Ang mag trabaho online. Hindi ito imposible lalu pa’t napaka makapangyarihan ng internet. Pwede ka ng mag vlog sa Youtube at kumita ng pera. May mas bata pa nga sa akin. Sa kanila natutuwa sila at nagkakapera narin. Ganon din ako. Gustong gusto kong mag lakbay talaga, natutuwa ako dun tapos malay natin kumita din ako sa pag bloblog ko nito. Diba lahat naman ay nag sisimula sa maliit. Basta ang mahalaga masaya tayo sa ginagawa natin.

Parang first step ko itong blog ko na ito. Sabi kasi ng tatay ko mag simula lang muna sa mga bagay na gusto ko para mas madami akong maisulat. At eto nga iyon. Sa totoo tatay ko iyong nag tuturo sa akin. Sya nga nag design nitong website ko. Tapos inayos nya na rin iyong mga dapat daw para mag makita ito sa Google. Marunong kasi sya mag SEO at dito sya kumikita bilang virtual assistant. Kagaya nya mag tatrabaho din ako gamit lang ang computer para walang problema kahit na bawal lumabas may ginagawa parin sya.

Gaya nga ng sabi nya, mahihirapan daw makabawi ang Pilipinas at lulubog ang ekonomiya. Kaya kailangan talagang mag trabaho sa online. Kayo din ay pwede din gumawa ng blog at mag simula. Kung nandyan lang naman kayo sa bahay ninyo bakit hindi nyo subukan ang ginagawa ko. Malay natin ito talaga ang maging daan para mapuntahan natin ang lahat ng gusto natin puntahan sa bansa.

Madali lang naman mag sign up dito sa wordpress. Tapos dun sa SEO, hindi ko alam kung anong ginawa ni tatay. Pero may blog sya tungkol dito icheck nyo nalang para matuto kayo madali lang naman siguro iyon. Kasi ilang oras nya lang din sinetup itong akin eh. Puntahan nyo lang ung blog nya o kaya kontakin nyo sya jan https://www.ineedonlinejob.com/ sabihin nyo nang galing kayo sa blog ni Domeng at mag papaturo kayo. Basta ha pag yumaman kayo isama nyo ako ha.

Pwede din mag simula tayo sa mga malapit sa atin. Parang iyong ginagawa nila tatay at nanay. Nag momotor sila at pumunta sa mga magandang tanawin na malapit sa amin. Iyong libre, walang entrance at pwedeng pumunta kahit na naka motor lang. Dito kasi sa Capiz, maraming lugar na katulad noon. Maraming mga babaying dagat dito at mga kabundukan. Kaya kung may ganon din kayo dyan sa lugar ninyo, pwede kayong mamasyal kasama ng pamilya ninyo.

Magandang Tanawin sa Davao : Mount Apo

source : google image

Baka po isipin ninyo na puro lang po mga isla ang isinusulat ko dito sa aking blog. Sa katunayan po marami din po tayong magagandang kabundukan dito sa Pilipinas.

At pag dating sa bundok, alam ko po na ang unang papasok sa isip natin ay ang pinakamataas na bundok sa buong bansa, ang Mount Apo na matatagpuan sa Davao City at Davao del Sur.

Ang bundok na ito ay may tatlong tutok at ang pinaka mataas ay mayroong 656 ft ayon sa Wikipedia. Tinawag itong apo na ang ibig sabihin ay matanda. At dahil nga sa katangi-tanging akin ng Mount Apo marami itong hiwagang nakapaloob mula sa ibat ibang tribo na syang nanirahan ng matagal dito.

Dahil sa laki ng bundok, napakaloob dito ang apat ng lawa, at labing anim na mga ilog. Isipin natin ang magandang tanawing maari nating masaksihan dito.

Ako man ay hindi pa nakakapunta dito maging sa Davao, subalit isa ito sa mga gustong makita ng personal. Dahil alam ko katulad ng sa Mt. Manaphag, mas higit itong maganda kesa sa kung ano mang imaheng pwede nating makuha sa internet. Sa ngayon ay itinuturing na itong national park ng Pilipinas.

Alam nyo ba na ang unang dalawang naitala na umakyat dito ay nabigo. Kaya sabi ng mga naninirahan doon ay kailangan munang mag alay ng buhay ang sino mang gustong umakyat sa kanilang bathala upang gabayan niya ito. Kung hindi at matutulad sila sa unang dalawang nag tangka at hindi sila mag tatagumpay.

Magandang Tanawin sa Leyte : MacArthur Landing Memorial National Park

Doon sa post ko tungkol sa Corregidor Island, nasabi ko na natalo tayo subalit hindi doon nag tapos ang lahat dahil nakabawi din tayo sa mga Hapones at ang naging saksi dito ay ang MacArthur Landing Memorial National Park na matatagpuan sa Palo, Leyte.

Ito ang patunay na bumalik si General Douglas MacArthur at tinupad ang pangako nya. Dahil noong mahina na ang Pilipinas at Amerika sa pag laban sa mga Hapones, napilitang umatras ang heneral. Sa pag atras nyang ito ay nangako sya na babalik. Bilang Pilipino mas gugustuhin pa natin mamatay kesa sumuko. Napatunayan iyan ng ilang bansang sumakop sa atin ng daang taon. Kaya nga nasabi din ni General MacArthur, na bigyan daw sya ng 100,000 mandirigmang Pilipino at sasakupin nya ang buong mundo. Dito makikita natin ang respeto ng Amerikanong sundalo para sa atin. Kaya naman hindi nya tayo binigo at sya ay bumalik sa bansa upang ipagtangol ito sa mga mananakop.

Napaka makasaysayan ito para sa atin kaya nga ang kanyang pag tapak sa Leyte ay sadyang ginawang tourist spot para makilala ng buong mundo ang pakikipang laban ng dalawang nasyon. Kaya nga naging malungkot pa ang mga kwento sa Fort Drum at Corregidor, tagumpay naman ang dala ng landing memorial park na ito.

Pamilyar tayo sa sinabi nyang “I shall return” pero bukod dito sa pag balik nya ay nagbangit din sya ng “I have return” Ito ng matapos nyang mabawi mula sa mga Hapones ang malaking parte ng buong Luzon.

Ang nasabing tourist attraction ay may anim na matataas na rebulto. Noong una ay akala ko normal lang ang laki nito gaya ng nakikita sa mga libro, pero nang nag research ako sa Google, nakita ko na lubhang malaki ang mga rebultong nandito.

Alam ko na hindi ito kasing ganda ng Boracay o Malalison Island subalit kung ikaw ay Filipino at tunay na nag mamahal sa kasaysayan natin, ito ay may mas malaking kabuluhan kesa sa kung ano mang magagandang Isla o babaying dagat meron ang Pilipinas. Dahil kung hindi sa mga taong nakipag laban ng ating kasarinlan, walang tayo dito sa ating bansa para matamasa ang kagandan ng ating tanawin.

Magandang Tanawin sa Antique : Malalison Island

source : google image

Nabangit ko po doon sa Boracay Island na post na kung wala kang masyadong pera ay pumunta sa ibang lugar para mas lalo kang mag enjoy. Ngayon po eto na po iyong isang lugar na gusto ko pong irecommenda sa inyo bukod sa Olotayan Island. Dito rin po ito sa Region 6. Kaya naman maiituring ko ang sarili ko na napakswerte dahil naka tira ako dito sa Capiz at napapalibutan kami ng mga lugar na may pinaka magagandang babaying dagat at isla sa buong Pilipinas. Mula sa Iloilo, Aklan, Bacolod at ngayon nga sa Antique.

Dito sa Antique matatagpuan ang Malalison Island na may roon ding white sand. Kung iyon po ang habol nyo bakit gusto nyo po sa Bora. May pagkakahawig sa isla kung saan makikita ang Mt. Manaphag dahil meron ding burol na pwedeng akyatin. Ito nga lang ay hindi kasing tarik ng sa Iloilo, kaya nga mas safe ka dito mamasyal kahit hindi ka beteranong mountaineer.

Sa Malalison Island, bahagyang na develop narin ito ng kanilang lokal ng pamahalaan. Meron naring mga cottage at lugar kung saan ang mga turista ay pwedeng tumigel. Eto ay magandang option kung hindi mo masyado gusto ang idea ng papunta sa mga hindi mataong isla tulad ng sa Roxas City.

Bukod sa isla ng Malalison ay marami ka pang lugar na pwedeng pasyalan dito sa Antique. Kaya nga meron sikat na awitin kung saan ang mang aawit ay gustong gusto nang bumalik sa Antique kung saan ang lugar nya ay tahimik ang lahat. Ako man kung papipiliin sa pagitan ng syudad o probinsya, mas gusto ko sa probinsya dahil mas tahimik dito at mas mapapalapit tayo sa kapaligiran.

Kung mapunta ka sa Antique, uulitin ko, huwag nyo pong kalimutan pasyalan ang lugar na ito na minsan ay tinatawag din bilang Mararison. Hindi man kasing daming ng tao ang pumunta dito compara sa mga sikat na isla ng Pilipinas, mas mag eenjoy ka naman dito lalu pat ang habol mo ay labis na katahimikan.