Magandang Tanawin sa Capiz : Suhot Cave

Kung gipit tayo sa pera pero gusto parin nating gumala, pwedeng pwede tayong pumasyal sa Dumalag. Sulit na sulit ang gala mo dito dahil may tatlong tourist spot kang mapuputahan. Nag focus nalang ako sa Suhot kasi dito talaga nag simula lang lahat. Tapos ang maganda pa dito natulungan ng gobyerno na ipreserve ang gantong lugar.

So sa kuweba meron spring kung saan pwede kang maligo. Nakakatuwa nga kasi makakagala kana, makakaligo paka sa halagang 20 pesos. Parang parking lot fee lang. Malamig ang tubig dahil maraming mga puno. Hindi rin istrikto dahil pwede ka ngang uminom habang nag tatampisaw. Meron naman cottage, pero kami hindi na kami kumuha. Sa gilid gilid lang kami kumain kahit papaano masaya naman.

Kung pupunta kayo dun ng walang baon, okey lang dahil meron mga nag bebenta dun at hindi tulad sa ibang lugar na overprice ang mga tabing tindhan, doon regular price lang din. Kaya kahit mura ang entrance, napagastos parin kami sa mga pagkain na binili namin dahil naparami.

Matapos sa Suhot Cave punta rin kami sa katabi nyang attraction, ang Caveland. Dito kapanapanabik ang mga naganap. Bagamat kailangan mong mag bayad ng 50 pesos na entrance fee, sulit naman dahil malaki ang lugar, may mga kweba rin. Pag pasok mo bibigyan ka ng map kaya tuwang tuwa kami noon dahil na excite ako dun sa mga lugar na nasa mapa tapos pupuntahan namin. Dito may swimming pool, in case na ayaw mo sa spring pwede kang mag swimming, mag dadagdag kalang ng entrance fee kung maliligo ka.

At ang huli naming pinuntahan ang Instaland. Nahirapan pa kaming hanapin to. Actually eto talaga iyong gusto naming pinutahan. Eh sobrang init bumayahe at mag hanap ng lugar kaya tumuloy nalang kami sa Suhot at sa Caveland.

Sa huli nakita din namin at nakakatuwa dahil ang main attraction nila ibat ibang lugar. Kaya pala Instaland, mula sa Instagram. Kung di ako nagkakamali 40 lugar ang settings kung saan pwede kang mag pa picture. So all in all parang 42 na tourist spot napuntahan namin sa pag bisita sa Dumalag.

Magandang Tanawin sa Albay : Mayon Volcano

Kung tutuusin nga gasgas na tong tourist spot na ito at sino ba naman ang hindi nakakatakilala sa Mayon Volcano mula sa perpektong hugis nito. Hindi na sinisiraan ko ang lugar natin, pero ang totoo, hindi sya ganon na perpekto tulad ng mga nakikita natin sa poster or sa mga website dahil narin sa mga eruption at ang mga picture na makikita natin ay luma na pero ganon pa man kung hindi man perpekto gaya nga ng sabi nila wala naman talagang perpekto, masasabi ko na malapit ito sa perfection.

Bukod sa kalikasan, hindi rin makakalimutan ang karanasan kung nakasakay ka sa eroplano at malapit na kayo sa Mayon. May biglang pag bulusok, at kung hindi ka sanay ay matatakot ka dito. Subalit pag dating mo sa iyong destinasyon, masasabi mo na sulit lahat ng paglalakbay nyo.

source : Google Image

Dahil sa pagiging active ng bulkan, hindi parin pwedeng umakyat dito. Nakakalungkot isipin na hindi natin pwedeng sampahan ang ganto kagandang kalikasan. At isa pa rito, ay kahit anong oras ay dalikado ang may pwedeng mangyari sa bulkan. Kamakaylan nga ay may na disgrasyang eroplano dito. Hindi sa tinatakot kita, at wala namang kinalaman talaga pero gaya nga na nasabi ko na may factor ang Mayon volcano sa mga eroplano, tila baga may kalakip itong peligro.

Kung ayaw nyong dumanas ng himpapawid, maari parin namang maka punta dito gamit ang land travel. Maraming gumagawa nito, lalu na dun sa mga grupo ng mahilig sa motorsiklo o kaya naman long drive bikers, sinasama nila sa pinaka challenge ang pag ikot sa buong Luzon kabilang na ang Bicol kung kaya nakakadaan sila sa sikat na bulkan.

Magandang TAnawin sa Capiz : Mantalinga Island

Napagod ako sa mga ginalaan nung nakaraan. Umabot kaming Zambales tapos Iloilo. Kaya ngayon balik naman tayo sa Capiz. Actually marami pang magandang lugar dito at hindi ko pa nauubos ang listahan. At tutal naman galing narin tayo sa mga isla, ang post ko ngayon ay isla mula sa Roxas City, ang Mantalinga.

Kung nakapunta kana sa Baybay beach, iyong malapit na isla na abot tingin mo, iyon ang Mantalinga. Sabi ng daddy ko, kaya daw languyin ang isla. Ito iyon mga panahon na hindi mo pa kailangan ng permit upang pumunta dito. Ngayon kasi kailangan mo munang mag paalam sa awtoridad kung balak mong pumasyal sa Mantalinga. Di tulad ng Olotayan, walang mga tao ang nakitara dito. Para narin syang Napti island o ang isla na kasama sa kapuluan ng Roxas City.

source : Google Image

Sabi nila nag bibigay swerte daw ang isla sa mga mangingisda bago ito pumalaot. Bukod sa swerte nga o hindi gusto ko rin malaman kung sino kaya ang may ari nito. Kung ang mga lupa sa Olotayan ay may nag mamayari (sa katunayan nakikita ko sa mga marketplace na may binebenta sa mga ito) ganon din kaya ang Mantalinga?

Naalala ko dati, hindi kami takot mag ka tsunami dahil sa isla na ito. Kung nasabaybay ka, bago pa man tumama ang tsunami, tatama muna sa isla kaya safe ka. Pero syempre hindi naman talaga magkakaroon ng ganoong sakuna sa Roxas City dahil channel lang kami at wala namang malapit na bulkan sa karagatan. Kaya safe parin.

Magandang TAnawin sa Iloilo – Bulubadiangan Island

Tara balik tayo sa Iloilo, nung nakaraan nag post ako tungkol sa Lake Mapanuepe. Tama at maganda ang lugar ang problema ay dahil sa kagagawan ng tao sa pag leak ng isang minahan, hindi na ito safe pang paliguan. Medyo nabitin kami kaya umusad kami papuntang Anawangin tutal nasa Zambales narin kami. White sand din at sobrang kahalihalina, kaya naman talagang masasabi mo na kung kagandahan lang, lakas parin ng palo ng puting buhangin.

Kaya naman ngayong araw, mag babahagi ulit ako ng mga lugar na may white sand maliban sa mga sikat tulad ng Boracay. Eto sa Iloilo ito, ang Bulubadiangan Island. Kung matatandaan nyo, nag post na ako ng tourist spot attraction sa Iloilo ang Mount Manaphag. Actually parahas silang sakop ng Concepcion kaya kung gusto nyo sulit na lakbayin, iyong bang isang trip marami ng pupuntahan, pwede nyong iconsider ang Concepcion dahil madaming kaaya-ayang tanawin dito mula sa kabundukan papuntang isla.

source : Google image

Hindi ko alam kung parehas nyo ako na natutuwa kung makaka diskubre ng hindi masyadong sikat na lugar. Parang at sarap sa pakiramdam na mapuntahan iyong mga tinatawag na virgin place. Iyon iba naman mas gusto iyong mga na developed ng lugar. Katulad sa Boracay, kung tutuusin, hindi lang naman talaga iyong dagat ang pinunta nila. Marami sa bakasyunista ang dumarayo para sa Koreana, Haponesa, at kung ano ano pa. Kung bago social life. Pero ako talagang gusto ko ang kalikasan, kaya mas na aapreciate ko ang mga lugar na tahimik at kunti palang ang nakaka alam.

Malapit lang ang isla sa mainland kaya 20-30 minutes lang byahe. Ang mejo challenging ang pag punta sa Concepcion dahil tumatagal ito ng oras mula sa syuda ng Iloilo. Kaya dapat sulitin natin ang pag punta dito. Actually sasawa ka sa kapuluan dito, meron Tago island, may Botlog island, Igbon island at marami pang iba. Sulit island hopping mo dito.

Magandang Tanawin sa Zambales : Anawangin Island

At dahil nandito nalang din naman tayo sa Zambales, sagadin na natin. Kung dumaan ka sa Lake Mapanuepe ituloy mo na sa Anawagin Island. Akala natin basta white sand Boracay lang o ang mga virgin beach sa kabisyaan. Ngayon ibabahagi ko sa inyo ang isang white sand beach na matatagpuan sa Luzon, ito nga ang Anawangin.

Lagi kong nakikita ang lugar na ito sa mga pinsan ko. Kung kami ay laging pumupunta sa Olatayan Island sa Roxas City Capiz, sila naman dito sa Anawangin. Siguro ito na iyong pinakamalapit sa kanila, mula sa Sta. Rosa Laguna. O kaya naman, dito sila pinaka komportable. May ganon talaga, iyong bang kahit napuntahan mo na gusto mong ulit ulitin. Minsan sa ala-ala o mga nakasama mo dito.

Naalala ko dati huling gala namin magkakagrupo, nasabi ko na ito na siguro ang huli, hindi na natin ito mauulit kaya isagad na natin ang saya. At iyon na nga, isa sa pinaka malapit naming kaibigan ang namatay. Kaya nga payo ko, hanggat may pagkakataon pa, talagang mag enjoy kayo sa moment na iyon dahil hindi natin alam kung hanggang kailan, o kung ma bibigyan pa tayo ng pagkakataon ma ranas ito sa hinaharap.

source : Google Image

Kaya nga kung mabibigyan ako ng pagkakataon, hindi lang basta Anawangin Island, papasyalan ko narin ang Capones Island at Nagsasa, para sagad na ito. Pero minsan parang may umay factor din eh. Kaya nga kami salita, pag tapos namin sa beach, bundok naman. Umay din kasi kung puro dagat o puro bundok – kung baga balance dapat.

Ngayon kung tatanungin; marami naman palang magagandang tanawin sa Pilipinas, bakit tila kunti lang ang sikat at iyon at iyon parin katulad ng Boracay, Siargao, etc. Sabi nila iba raw talaga ang buhangin sa Boracay, iba talaga ang mararanas mo sa Siargao. Meron silang mga distinct na inooffer sa mga taong gustong bumisita sa kanila.

Pero kung gusto mo lang talagang mag gala at mag enjoy kasama ang kalikasan, dun kana sa pinaka malapit sa inyo.

Sa mga galing sa syudad, makakasakay sa mga terminal sa Pasay papunta sa Zambales. Kung may sariling sasakyan, maari kang tumungo mula sa NLEX at lumabas papuntang Bataan. Kung mananakay ka, 250 ang kasalukuyang pamahase sa panahong isinulat ko ito. At dahil isa ito, isaalang alang din ang pamasahe sa banka na naglalaro sa 1000 pesos. Ito ang dahilan kung bakit, kailangan talagang may pera ka kung gusto mong mag travel dahil may gastos talaga dito. Ito rin ang dahil upang maging inspirasyon mo sa pag tatrabaho at minsan hindi mababayaran ng salapi ang pag balik loob natin sa inang kalikasan.

Magandang Tanawin sa zambales : Lake Mapanuepe

Baka isipin nyo na lagi tayong nasa Visayas, kaya ngayon punta naman tayo sa Luzon. Actually akala ko ang Zambales ay nasa Mindanao kasi Z ang simulang letra kaya maiisip mo nasa dulo parang Zamboanga.

So ngayon ang lugar namin kung taga Luzon kayo at nag hahanap ng matinding road trip, maari nyong iconsider ang lawa ng Mapanuepe. Hindi nga lang katulad ng mga beaches at isa na una ko ng nabahagi, dito ay hindi kayo maaring maligo dahil laganap ang mercury o dalikadong elemento mula na sa minahan na nag leak at nag tuloy sa lawa. Ganon pa man may mga pag aaral na rin na nagpapakita na safe na uling lumusong sa lugar subalik wala pang opisyal na pahayag na binubuksan na ulit sa publiko ang pag paligo dito.

source : google image

Kung titignan natin ang pinagmulan ng magandang lugar na ito, bunga ito ng pag putok ng bulkang Pinatubo. Diba may kariktan kang makikita kahit na mula sa trahedya. Tila bahaghari pag katapos ng ulan. Minsan talaga kailangan natin makaranas ng sakit upang matamasa ang mas maganda pang yugto ng buhay.

Ganon pa man at hindi pwedeng lumusong sa tubig, maari parin naman tumabay sa gilid. Hindi parin masasayang ang pag punta nyo dito kahit na galing pa kayo sa malayong lugar. At kung matigas ang ulo mo at gust mo talagang lumusong, nasa sayo na iyon. Pero sabi ko na sainyo, tamang sight-seeing lang ay busog na kayo dito.

Maari din kayong mag overnight dito, maglatag ng tent, at mas lalo pang damahin ang sariwang hangin na bumabaybay sa ilog. Pero sa mga duwag at naniniwala sa mga halimaw, baka mag dalawang isip kayo, dahil may mga kwento kwento na may halimaw daw dito at nag mula pa sa Pinatubo. Sa katunayan na feature pa nga ang Lake Mapanuepe sa isang TV show sa ibang bansa dahil sa kwento na ito. Pero para sa akin, bunga lamang ito ng malikot na imahinasyo ng mga Pilipino. Kng kami dito sa Capiz indinidikit sa mga pinaniniwalaang aswang. Pero kahit isa wala namang napapatunayan, o ako mismo ang nakakita. Ang totoo, marami lang talaga magagandang tanawin dito sa Pilipinas at tulad ng aswang, mahirap paniwalaan sa ganda nito.

Magandang Tanawin sa Antique : Seco Island

Tulad ng pagmamahal ko sa inang kalikasan, hindi magkukulang ang Western Visayas sa mga magagandang isla. Hindi lang Boracay, dumako tayo sa lalawigan ng Antique at makikita natin ang mga nakatagong hiyas ng mga isla.

Nakaraan ay ibinahagi ko sa inyo ang Malalison Island ng Antique ngayon naman ang Seco Island o mas malayo na isla mula sa mainland. Dito kailangan mong bumayahe ng tatlong oras gamit ang banka kung ikaw ay mag mumula sa Tibiao Antique. Kung mangagaling ka naman sa Kalibo ay may masasakyan ng Ceres papunta sa Antique ganon din sa Iloilo at kung mula ka sa Capiz katulad namin, kailangan muna namin mag byahe sakay ng Van papuntang Kalibo tapos Ceres papuntang Antique.

Maliit lang ang isla ng Seco kaya nga hinango ang pangalan nito sa siko o elbow. Huwag ding kalimutang mag dala ng sapat ng pagkain at tubig. Minuto lamang ay malilibot muna ang buong sand bar subalit ang karanasan dito ay pang habang buhay at least.

Source : Google Image

Hindi pa talagang sikat ang isla o na develop kaya walang cottage o kuryente o tubig na maari mong inumin dito at iyon nga ang dahilan kung bakit espesyal maiituring ang Seco Island. Ito rin ang dahilan kung bakit nabanggit ko na magdala ng sapat na pagkain at inumin na gagamitin nyo habang namamasyal sa sand bar.

Wala talagang nag bo-boat tour sa isla pero pwede mong kausapin ang bangkero para ilibot kayo sa isla. Maliit lamang ito kaya hindi naman ganoon talaga kawalan sa bangkero kung pag bibigyan. Pero syempre iba parin ang experience kung maglalakad o lalangoy at iyon ang recommendasyon ko.

Isipin mo Western Visayas palang ubos na pera ko sa dami ng magagandang tanawin na pwedeng puntahan. Pero syempre kumpara sa Boracay Island o Siargao mas laking tipid naman kung sa mga lugar tulad ng Seco Island ang ating pupuntahan. Sabi nga nila isa to sa mga underrated na mga tourist spot dito sa Pinas kaya kung katulad ko na nakatira sa Region 6, wag nating kalimutang bisitahin ang lugar na ito. Actually hindi lang naman sa Antique marami din tagong ganda ang Pilipinas at iyon nga iyon mas gusto kong tutukan.

Magandang Tanawin Sa Capiz : Ayagao Beach

Masasabing maswerte kaming mga taga probinsya dahil hindi na namin kailangan lumayo upang makakita ng mga kaaya-ayang lugar. Tulad na lamang ng ibabahagi ko ngayon, ang Ayagao Beach na matatagpuan sa Brgy. Talon, Roxas City. Mula sa syudad mas malapit to kesa sa Basiao kung nag hahanap ka lang din naman ng white sand. Bago lamang itong na de-develop kaya hindi masyadong sikat tulad ng Baybay Beach ganoon pa man ay may mas malaki itong potential dahil nga sa kaputian ng buhangin dito. Kung kapos ang budget mo para mag pa Boracay, o may takot kang tumawid ng dagat tulad ng sa Olotayan, pwede mong spottan ang Ayagao.

Una palang ay nasabi ko na ang distansya dahil maganda ding i-consider ang layo ng lalakbayin bago marating ang destinasyon. Bagaman tulad din ng nasabi ko na mas mahalaga ang journey kesa sa destinasyon, kung ikaw ang tipo ng driver na hindi sanay sa mahabang byahe, stressful din kung malayo masyado ang lalakbayin lalong lalu na kung pauwi na kayo. Kaya nga nirerecomenda ko ang Ayagao Beach sa mga taong ayaw masyado ng mahabang byahe subalit gustong maka karanas ng tahimik at marikit na lugar.

Source : Google Image

Bukod sa nasabing baybayin, at dahil nga binibigyang pansin ng pamahalaan ng Roxas City ang lugar marami narin establishimento ang makikita dito tulad ng Talon Adventure Park at Talon Beach. Kaya kung malayo ka sa lugar at sasadyain mo lang ang baybayin ng Ayagao ay hindi ka narin malulugi dahil pwede kang pumunta sa mga kalapit nito. Ganto iyong ginagawa namin tulad nung nakaraan ng pumunta kami sa Dumalag, Capiz, tatlong tourist spot attraction ang pinuntahan namin. Isipin mo bumyahe kami ng mahigit 50 kilometro mula sa Pan-ay, kaya sinulit talaga namin, pumunta kami sa tatlong sikat na lugar na pinagmamalaki ng mga taga Dumalag.

Magandang Tanawin sa Ilocos Sur : Vigan City

Image source : Google

image source : Google

Salamat sa Ang Probinsyano at lubos na naipakita ang kagandang ng Vigan City. Ilang buwan din naman kasing nagamit ang lugar sa mga kapanapanabik na eksena sa pinaka sikat na palabas sa Pilipinas. Paborito kasi ng lolo at tatay ko ang Probinsyano kaya lagi ko rin itong napapanood at dito nga napansin ko ang ganda ng Vigan Ciy. Hindi ko alam kung lahat ng scene sa tv series ay mula sa Ilocos pero kung ganoon man, masasabi ko na talagang pang world class ang ganda ng bayan natin. Meron doon na tila Venice ang dating kung saan nakasakay sa banka si Cardo at nakikipag palitan ng putok sa mga kalaban.

Masasabi nating maganda ang Vigan City dahil nakagawan ilang buwang kabanata ang palabas mula lamang sa iisang lokasyon. Nakakalungkot lang din isipin na makikita din sa nasabing palabas na hindi ganoong na preserba ang lungsod. Kung sabagay ika-labing anim na siglo nang ginawa ang syudad at sa dami din ng pag subok ang dumadaan sa bansa tulad ng lindol at bagyo mahirap talagang mapanatili ang magandang tanawin na ito sa Ilocos Sur.

Di pa ako nakakapunta sa Vigan City pero masasabi ko bilang mamayan ng Capiz na maiituring din itong arkitektura ng sinaunang Espanyol. Di nyo na itatanong ng pangalang settlement ng mga kastila at dito sa aming lugar sa mismong Panay. Kaya marami din kaming istraktura dito na mahahalintulad sa Vigan City, hindi ko nga lang alam kung bakit hindi ito masyadong napansin. Maliban sa Sta Monica Parish Church na talaga namang kapuna puna. Sa katunayan isa itong historic church na kinikilala sa buong mundo. Dito rin matatagpuan pinakamalaking kampana sa buong bansa. Hindi man kami na biyayaan ng parehas sa Vigan, mababakas mo parin ang sining na naiwan ng ating mananakop.

Kung sabagay ano nga meron sa lunsod kung bakit kinilala sya sa buong bansa. Dito makikita nyo ang dalawang daan tatlong put-tatlong mga gusali na na pag uugnay ng dalawangput limang kalye. Isa pa, hindi lang naman kastila ang may malaking impluwensya sa lugar, dito rin mababakas ang kasaysayan na iniwan ng mga Intsik. Sa dami ng sumakop sa Pilipinas, ito rin ang tila nag pa ganda o nagbigay tingkad sa lahi natin, isang patunay dito ay ang Vigan city.

Magandang Tanawin sa Negros Occidental : The Ruins

image source : wikipedia

Lipat muna tayo mula sa mga isla at kabundukan, ngayon naman ay ang mga lumang istrakturang na masasabing isa sa mga magagandang tanawin sa Pilipinas, ang The Ruins ng Bacolod.

Ngayon na pagtanto ko na marami palang the Ruins dito sa ating bansa. Kung may the Ruins din kami dito sa Capiz, at meron din sa Bacolod, malamang ay meron din sa ibang probinsya o lalawigan. Ang pinagkaiba nga lang siguro dito sa Bacolod ay isang mansion samantalang sa Roxas City ay hindi natapos na resort.

Ang The Ruins ay bahay nina Don Mariano Ledesma Lacson and Maria Braga Lacson na matatagpuan sa Talisay Negros Occidental City. Ang mansyon ay naitalang itinayo noon pang 1900s at base sa Italian architecture. Subalit noong panahon ng digman sa pagitan ng Pilipinas at Hapon, sinunog ito ng mga guerillang Pilipino sa pag iisip na gagawin itong kuta ng hapones.

Parang nakakapag taka na mismong mga Pilipino pa ang sumira dito. Maiisip mo talagang nangagamoy utak talangka at naingit sila sa mayamang Don at Maria Lacson kaya sinunog. Alam mo iyong kayo ng hihirap tapos sila nagpapasarap lang. Siguro kung may pagkakataon ka ngang gawin iyon, bilang utak talangka at ingitero ay gagawin mo rin iyon. Opinyon ko lang naman po ito dahil sa nabasa ko sa Wikipedia. Ganon pa man ay naging historical parin ang lugar at dinarayo ng mga tourista hanggang ngayon.

Kilala din ang lugar bilang Taj Mahal ng Pilipinas. At nag sasabing bukas na tourist attraction mula alas otso ng umaga hanggang alas otso ng gabi ay meron bayad sa pag pasok na isang daan sa matatanda, singkwenta pesos sa mga estudyante at bente pesos naman sa mga bata. Na napupunta sa pamamahal ng mga naiwang Lacson.

Hindi ko pa napanood ang lugar na ito sa Jessica Soho o sa mga horror story na kalimitan natatampok sa mga abandonadong lugar. Siguro noong sinunog nila ito ay walang namatay dahil nga ayon sa aking pag sasaliksik, napilitan lang ang mga Filipino guerilla na nag tatrabaho noon sa US armed forces na gawin ang nasabing pag sunog na tumagal ng tatlong araw. Ito nga ay pagpapakita na imbes na pakinabangan ng mga hapones ay sila nalang ang sumira. So sa huli walang ingitan o talangkaan ang naganap. Sadyang malikot lang ang aking kaisipan at pawang opinyon ko lang iyon.